PAGSUSURI SA BAYA-O NG BARANGAY SANELIAS, SIGAY, ILOCOS SUR

PAGSUSURI SA BAYA-O NG BARANGAY SANELIAS, SIGAY, ILOCOS SUR

Authors

  • PRINCESS MAE O. MERCADO
  • CHRISMA E. PADSING
  • GEMMILY C. LOMBOY
  • JOAN L. BUNIAS

Keywords:

kultura, pamphlet, baya-o, lamay, elehiya, aliw, simpatiya, damayan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa baya-o ng San Elias, Sigay, Ilocos Sur. Pakapa-kapa approach ni Rogelia Pe-Pua ang ginamit upang ilarawan ang iba’t ibang aktibidad ng mgapilingmamamayan. Ginamit rin ang tematikong pagsusuri para sa pag aanalisa sa mga datos na nakalapgayundin ang member checking para sa balidasyon ng awtput. Napag-alaman ang tatlong paraansapagsasagawa ng baya-o: una, pag-abiso- pagpapakilala, pagpaalam sa pagbaya-o at pagsasabi samabubuting nagawa ng patay; ikalawa, pagtitipon- pagtitipon ng matatanda at salitang pagbabaya-ona maaaring sumasang-ayon o hindi sa naunang nagbaya-o; at panghuli, pagpayag- salitangpagbabaya-o ngunit iisa ang nilalaman at kapag may hindi nakasunod ay bibili ng alak na iinuminngmga nagbabaya-o. Natuklasan din ang mga kulturang nakapaloob sa pagbabaya-o: Paghingi ngkapatawaran; pagsasabi sa kadakilaan ng namatay; paghiling sa pagtanggal ng sakit; at, pakikisimpatiya at pagmamalasakit sa mga naiwan ng patay. Ang pamphlet ay malinawna naglalamanng nilalaman na kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap. Iminumungkahi ng mga mananaliksiknapag-aralan ang mga paraan sa pagsasagawa ng baya-o upang mas maunawaan kung paanoitoginagawa gayundin na alamin ang iba pang kulturang nakapaloob dito at sa mga magsasagawangkatulad na pananaliksik na bumuo ng iba pang Information Educational Communication materyal para sa pagpapanatili ng pasalindilang kultura kagaya ng baya-o

Downloads

Published

2024-09-05

How to Cite

MERCADO, P. M. O., PADSING, C. E., LOMBOY, G. C., & BUNIAS, J. L. (2024). PAGSUSURI SA BAYA-O NG BARANGAY SANELIAS, SIGAY, ILOCOS SUR. Amburayan Research Journal, 2(1). Retrieved from https://amburayanresearchjournal.xyz/index.php/arj/article/view/77

Issue

Section

Articles